Gagawin ng amang si Ed ang lahat para makaipon ng sapat na halaga upang maoperahan at mapahaba ang buhay ng kaniyang anak na si Allen na may butas sa puso.

Apat na buwan pa lang umano si Allen nang mapansin ng mag-asawa na may problema sa kalusugan ang kanilang anak. Nang ipasuri, doon na nila nalaman na may butas ang puso ng bata.

Pero hindi nila kakayanin ang halos isang milyong piso na gagastusin sa operasyon kaya nagsikap si Ed upang malikom ang naturang halaga, kabilang na ang pagbebenta ng alkansiya.

At habang hindi pa nila naabot ang kailangang pera, ang tanging hiling ni Ed sa anak na si Allen, huwag susuko at patuloy na lumaban lang.

Panoorin ang nakaantig at tagos sa pusong kuwento nila sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News