ADVERTISEMENT

News

Boracay, bubuksang muli sa regional tourism sa June 16; mga negosyo, humiling ng health protocols

By JUN AGUIRRE

BORACAY ISLAND - Muli nang bubuksan sa regional tourism ang Boracay simula Hunyo 16, ilang buwan matapos magpatupad ng community quarantine sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Ayon kat Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ito ang napagkasunduan sa isinagawang meeting ng Boracay Inter Agency Task Force naisinagawa sa Boracay noong Huwebes.

Handa na diumano ang Boracay sa unti-unting pagbubukas ng lugar sa mga turista dahil wala na diumanong kaso ng COVID-19 sa isla.

ADVERTISEMENT

Matapos ang meeting, nagsagawa ng inspection si Puyat kasama si Environment Secretary Roy Cimatu at Interior Secretary Eduardo Ano sa baybayin ng Boracay.

Ayon naman  kay Elena Brugger, presidente ng Philippine Chamber of Commerce and Industry-Boracay, bagaman ilang araw na lang ay June 16 na, hindi pa rin diumano malinaw sa business community ang mga health protocols na nais ipatupad ng inter Agency Task Force sa Boracay.

Handa naman diumanong makipagtulungan ang PCCI para sa pagpapaunlad ng turismo sa Boracay ngayong panahon  ng COVID-19 pandemic. -MDM, GMA News