Huli sa video ang panghahampas ng isang lalaki sa isang matanda sa Surallah, South Cotabato, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Kahit nagtatago na ang matanda sa kama ay sinundan pa rin siya ng lalaki at sinaktan. Huminto lang ang pananakit nang may namagitan na isang kaanak.

Nang dahil sa nangyari ay hindi na makalakad ang matanda, ayon sa ulat.

Anang kumuha ng video, matagal nang may sama ng loob ang anak sa kaniyang ama at lumalabas ang hinanakit nito tuwing siya ay nakakainom.

Pinaghahanap na ng otoridad ang suspek, na naglayas daw matapos ang nangyari. —KBK, GMA News