Isang COVID-19 patient sa Legazpi City, Albay, ang ginahasa umano ng kapwa niya pasyente habang nasa isolation facility.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, magaling na sana at pauwi na ang biktima nang yayain ng suspek na uminom. Doon na raw nangyari ang panghahalay.

Agad namang naaresto ang suspek na hindi nagbigay ng pahayag.

Dahil sa insidente, pinaiimbestigahan ng lokal na pamahalaan ang pasilidad dahil malinaw daw na naging maluwag ito.

Wala pang pahayag ang namumuno sa pasilidad. —KBK, GMA News