Nag-viral kamakailan ang isang video na nagpapakita sa isang napakasayang ina dahil sa magandang balita ng kaniyang anak.

“Ma, pharmacist na ko,” sabi ni Amonnah Jade Montañer sa kaniyang ina habang nasa isang sasakyan sila.

Kita ang pagkabigla at sobrang saya ng ina ni Amonnah na napasigaw pa at pumalakpak nang nadinig na magandang balita.

Nasa unahang upuan ng sasakyan ang ina ni Amonnah na napalingon sa anak para hawakan ang kaniyang kamay.

Ayon kay Amonnah, ang kaniyang ina ang naging inspirasyon niya habang kumukuha ng Pharmacist Licensure Exam.

Napag-alaman na pharmacist din ang kaniyang ina. — FRJ, GMA News