Pinagkaguluhan ng ilang residente sa Atimonan, Quezon ang isang malaking butanding na napadpad doon matapos na aksidenteng malambat ng mga mangingisda.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing kaagad na nagtulong-tulong ang mga tao para makalabas ng lambat ang butanding at makabalik ito sa malalim na bahagi ng dagat.

Ayon sa mga awtoridad, ligtas ang butanding na tinatayang may haba na anim hanggang pitong metro.--FRJ, GMA News