Nag-viral online ang away ng isang truck driver at ang kaniyang pahinante dahil sa kalasingan sa Plaridel, Quezon.

Ayon sa isang ulat sa "24 Oras" nitong Linggo, biglang binangga ng truck driver ang pahinanteng dumuduro sa kaniya. Bumagsak ang pahinante pero nakatayo rin kaagad.

Ayon sa barangay, magpinsan ang dalawa. Nagpahinga sila sa tabing dagat at nag-inuman na nagresulta sa kanilang pag-aaway.

Hindi na naipa-blotter sa pulisya ang nangyari dahil umalis kaagad ang dalawa. — Ma. Angelica Garcia/BM, GMA News