ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Sick si pet? Alamin ang dapat gawin sa AHA!
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
AHA! Sick si Pet! Date of airing: January 20, 2013 Kayo ba’y aligaga dahil may sakit ang inyong alaga? Anak o miyembro na ng pamilya ang turing ng marami sa kanilang mga pets. Kapag sila’y nagkasakit, madalas ay ’di alam ng pet owner kung ano ang gagawin o kung saan sila dadalhin. AHA-lam n’yo ba na mayroong ospital kung saan welcome ang anumang uri ng hayop? Dito ginagamot ang mga pasyenteng hayop— mula sa consultation, laboratory exams, emergency procedures, surgery at labor operations…kumpleto ang mga kagamitan para sa mabilisang paggaling ng ating mga alaga! Ang mga asong si Ginger at Sly, parehong may cancer kaya naman kailangang mag-chemotherapy at surgery. Ang rabbit namang si Marshall, sumasakit ang ngipin! Si Laila na isang Boston Terrier dog, nahirapang manganak kaya na-ceasarian. Ilan lamang sila sa mga pasyenteng inaaruga sa animal hospital. Paano nga ba nagkakasakit nang malubha ang ating mga alaga at paano natin ito puwedeng maiwasan? Obese ba si Bantay? Puwes, may solusyon d’yan! Isali ang inyong aso sa isang fitness class. Pero kahit sa bahay lang, may mga home exercise ding swak para sa ating mga alaga. ‘Yan at marami pang iba sa “Sick Si Pet!” episode ng AHA! ngayong Linggo, 9:15 ng umaga sa GMA!
More Videos
Most Popular