ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Landas ni PNoy, tuwid nga ba?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tuwid na landas. Sugpuin ang katiwalian sa gobyerno. Ito ang mga pangunahing pangako ni Pangulong Noynoy Aquino sa mamamayang Pilipino. Dalawang taon na ang kanyang panunungkulan at muli na namang nag-ulat sa bayan. Gaano katotoo ang mga laman ng kanyang State of the Nation Address?   Binanggit ng Pangulo na hindi pwedeng mag-forgive and forget na lang sa mga kasalanan ng dating administrasyon. Matatandaan na sa kanyang mga nakalipas na SONA, ilang kontrobersiya ang kaniyang pinasabog.   Nariyan ang P105 million calamity fund ng Pampanga na ginawa raw election fund ni dating pangulong Gloria Arroyo; ang questionable cash advance sa ARMM office of the Regional Governor at ang P1 billion coffee controversy sa PAGCOR.   Matapos ibulgar ang mga ito, may konkreto bang kilos ang Aquino administration laban sa corruption? Did the Aquino administration go beyond sloganeering?     Kayo mga Kapuso, ano ang grado na ibibigay ninyo sa ating pangulo? Kasama sina Presidential Communications Operations Office Secretary Sonny Coloma at Vince Lazatin ng Transparency and Accountability Network, himayin natin ang usaping ito ngayong Miyerkules, ika-walo ng gabi sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa GMA News TV Channel 11.