Filtered By: Newstv
NewsTV

Mark and Kimi Cojuangco, "power couple" ng 5th District ng Pangasinan


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
10 October 2012
MARK AT KIMI COJUANGCO
 
Sa darating na 2013 midterm elections, "trending" uli ang mga political clan na nag-aagawan o kaya ay naghahati-hati sa iba't-ibang posisyon sa gobyerno sa kanilang probinsiya.
 
Ayon sa GMA News Research, mahigit 121 na mga political clan na ang naitatag sa bansa. Karamihan sa kanila ay namumuno sa pinakamahihirap na probinsya tulad ng Zamboanga del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte at Maguindanao.
 
Sa lahat ng mga political clan ngayon, ang maituturing na pinakasikat ay ang Aquino-Cojuangco clan na pinangungunahan ni Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Cojuangco Aquino III. Nasa puwesto rin ang iba pa niyang kamag-anak bilang mga pinuno at kinatawan ng Tarlac, Negros Occidental at Pangasinan.
 
Sa ikalimang distrito ng Pangasinan, naging kongresista si Marcos "Mark" Cojuangco, anak ni Eduardo "Danding" Cojuangco na pinsan ni dating pangulong Corazon Aquino. Ngayon naman, Kongresista ang asawa ni Mark na si Ma. Carmen "Kimi" Cojuangco. Mula 2001 hanggang 2013, hawak ng mag-asawa ang pagiging kongresista ng ikalimang distrito.
 
Ano na ang nagawa ng mag-asawa sa kanilang distrito? Sa data ng NSCB, halos dalawa sa sampung katao sa bawat bayan at lungsod ng distrito ay mahirap.  Bagamat lantad ang ilang proyekto ng mag-asawa kagaya ng isang dairy farm para pantulong sa hanapbuhay, hindi pa raw nabibigyang pansin ang ilang problema tulad ng irigasyon at trabaho.
 
Bakit nasa politika ang dalawang taong kung sa pribadong sektor nagtatrabaho, ay tiyak na malaki ang kita? Ano ang ginagawa nila sa gobyerno?
 
Kilalanin natin nang husto ang Power Couple ng Pangasinan's 5th District sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, 8 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
Tags: pr, pangasinan