ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Tsinoy: Sa pagitan ng tensyon ng Pilipinas at Tsina


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
TSINOY: SA PAGITAN NG TENSYON NG PILIPINAS AT TSINA BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE Airing date: December 10, 2012 Sa kainitan ng girian ng Pilipinas at Tsina dahil sa Scarborough Shoal, sino ang kinakampihan ng mga Tsino? Ang Pilipinas na kanilang kinalakihan at kung saan sila kasalukyang naninirahan o ang Tsina kung saan nagmula ang kanilang angkan? Tikom ang bibig ng maraming mga Filipino-Chinese tungkol dito. Ilang Filipino-Chinese groups ang tumanggi ring magbigay ng kanilang pahayag ukol sa isyu. Para sa kanila, international issue ito at usapin ito ng gobyerno kaya’t ayaw nilang makihalo sa pagtatalong ito. Ayon kay Teresita Ang See, pangulo ng Philippine Association of Chinese Studies, ugali na ng mga Tsinoy ang manahimik sa ganitong mga usapin, tulad na lang ng isyu tungkol sa kidnapping. Pero ayon sa kanya, hangad ng mga Tsinoy sa Pilipinas na maayos sa pamamagitan ng negosasyon ang alitan. Mas maganda rin daw kung hindi makikialam ang ibang bansa tulad ng Japan at Amerika upang hindi na mas lalong lumala ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.  Mas lalong umigting ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa kontrobersyal na pasaporte ng China, kung saan nakalagay dito na sakop nila ang Scarborough Shoal. Nagdesisyon naman ang Department of Foreign Affairs o DFA na hindi nila tatatakan ang mga pasaporteng ito bilang pagtutol sa aksiong ito ng China. Para malaman ang kabuuan ng istoryang ito, abangan ang Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa bago nitong oras tuwing Lunes, 10 ng gabi, sa GMANewsTV Channel 11.