ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Gulo sa Cebu: Garcia vs. Magpale
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
GARCIA VS. MAPALE BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE Airing date: January 14, 2013
Dalawang babae, parehong gobernador ng Cebu. Ang isa ay itinalaga sa puwesto, ang isa ay suspindido. Parehong naniniwalang sila ang dapat na mamuno sa Kapitolyo.
Ito ang sitwasyon sa Cebu City mula pa noong nakaraang buwan, nang ibaba ng Malacañang ang utos para sa anim na buwang pagsuspindi kay Gov. Gwendolyn Garcia bunsod ng kasong administratibo.
Bilang reaksion, tumangging bumaba sa puwesto si Garcia at dalawampu't anim na araw na siyang nakatira sa kanyang opisina ngayon. Kabilang na siya sa mahabang listahan ng mga politiko na ganito ang naging aksion sa harap ng suspension.
Nagtatrabaho naman bilang acting governor si Vice Governor Agnes Magpale mula sa kanyang tanggapan.
Sa kabila nito, naninindigan si Garcia na siya pa rin ang gobernador. Ayon naman kay Magpale, wala siyang ambisyon na hawakan ang Kapitolyo. Nagkataon lamang daw na siya bilang bise-gobernador ang naatasang humalili muna kay Garcia.
Ano ang sinasabi ng batas sa ganitong sitwasyon? Ano ang tama, sino ang mali?
Pakinggan ang dalawang panig at ang analysis ni Prof. Solita Monsod sa isyu sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular