ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway: Tausug sa Sabah
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
TAUSUG SA SABAH
BAWAL ANG PASAWAY
Airing date: March 18, 2013

Umabot na sa 2,818 katao ang umalis sa Sabah pero umaasa pa ring makababalik sila sa kanilang trabaho at buhay roon. Ito ay ayon kay Secretary Dinky Soliman ng Department of Social Welfare and Development na kararating lang mula sa pagbisita sa mga evacuees sa Jolo at Bongao kahapon. Karaniwan sa mga ito ay mga bata, babae, at mga walang pasaporte.
BAWAL ANG PASAWAY
Airing date: March 18, 2013

Umabot na sa 2,818 katao ang umalis sa Sabah pero umaasa pa ring makababalik sila sa kanilang trabaho at buhay roon. Ito ay ayon kay Secretary Dinky Soliman ng Department of Social Welfare and Development na kararating lang mula sa pagbisita sa mga evacuees sa Jolo at Bongao kahapon. Karaniwan sa mga ito ay mga bata, babae, at mga walang pasaporte.
Ayon kay Sec. Soliman, bagamat hindi sinisisi ng mga nagsi-uwian ang sinuman sa kanilang sinapit, umaasa sila na muling makababalik sa iniwang buhay sa Sabah. Kinumpirma niyang may paglabag sa karapatang pantao, lalo na sa mga nahuhuling Tausug na walang dokumento.
Itinanggi naman ni Fatima Kiram, maybahay ni Sultan Jamalul Kiram, na pinlano ng mga taga-suporta ng Sultanato ang marahas na paggiit ng kanilang pagmamay-ari sa Sabah. Ilang taon na aniyang sinisikap ng mga magkakapatid na Kiram na maayos na kilalanin na sa kanila ang Sabah sa pamamagitan ng pagsulat sa iba't ibang ahensiya ng pamahalaan.
Itinanggi rin niyang may mga nagpopondo sa kanilang mga taga-suporta. Dati na aniyang nakatira sa Sabah ang mga sumusuporta sa kanila. May nalikom namang P92,000 para sa gasolina ng isang bangka, pero ito ay mula sa kanilang mga taga-suporta sa Sulu. Maayos din daw na ipinaalam ng mga Kiram sa mga lokal na opisyal ng gobyerno at pulisya sa Sabah ang kanilang pagdating, kaya ikinagulat nila nang sila ay sugurin at tawaging terorista.
Bukod sa pagtanggap sa mga tumakas mula sa Sabah, ano ang tugon ng pamahalaang Aquino sa pag-init ng iringan dahil sa Sabah? Sapat at nararapat ba ito? Hanggang saan at hanggang kailan igigiit ng mga Kiram ang kanilang pag-angkin sa Sabah?
Alamin iyan sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie mamayang ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11, kasama si Prof. Solita Monsod.
More Videos
Most Popular