ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway: Bureau of Customs, kuta ng kawatan?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
CUSTOMS: KUTA NG KAWATAN? BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: April 22, 2013
“Mas malaki ang tsansa na mawala ako sa ahensiya dahil aalis ako kaysa aalisin ako ng pangulo.” Ito ang sagot ni Bureau of Customs Commissioner Ruzzano Rufino “Ruffy” Biazon nang tanungin ni Prof. Solita Monsod tungkol sa balitang maaalis siya sa puwesto. Iminungkahi kailan lang mismo ni Comm. Biazon na buwagin na lang ang Bureau of Customs at ipahawak ang gawain nito sa isang pribadong ahensya. Nilinaw ni Biazon na hindi pa ito magaganap sa lalong madaling panahon, pero ito raw ang nakita niyang solusyon upang mabago ang sistema sa Customs, lalung-lalo na sa katiwalian sa loob nito. Dagdag pa ni Biazon, “There’s a saying that ‘commissioners come and go but the kalakaran stays.’” Ito ay bunsod na rin sa panawagan na alisin siya sa puwesto o kaya ay magbitiw na lang siya. Isa’t kalahating taon na si Biazon sa Customs. Malaking timbang na raw ang nawawala sa kanya dahil sa problemang dulot ng trabaho. Marami na rin siyang naririnig tungkol sa pangungurakot na ginagawa ng mga tauhan niya pero wala naman daw kasing handang tumulong sa pagsasampa ng kaso. “Ako, gusto kong magsampa ng kaso sa sarili kong tauhan, but I need a complaint.” Ipinarating din ni Mareng Winnie ang mga reklamo ng ilang mamamayan tungkol sa malaking singil sa Customs sa pagkuha ng packages. Nilinaw ni Biazon na may fixed charges para sa mga padala mula sa ibang bansa. May pag-asa pa bang malinis ang Customs, na kung tingnan ng publiko ay kuta ng mga kawatan? Alamin ang iba pang isyu sa loob ng Customs sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie ngayong Lunes, alas-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11. More Videos
Most Popular