ADVERTISEMENT

NewsTV

Sen. Dick Gordon, muling sasalang sa 'Bawal ang Pasaway'

KOMITE DE ABSUWELTO?
LUNES, SEPTEMBER 11, 2017
10:15 PM SA GMA NEWS TV

"He is a liar," ito ang walang kakurap-kurap na bintang ni Senator Richard Gordon sa kairingan niyang si Senator Antonio Trillanes IV sa kaniyang panayam kay Mareng Winnie.

Noong ika-31 ng Agosto sa pang- anim na session ng Committee on Justice sa nasakoteng P6.4 billion na shabu, naganap ang palitan ng mga salita ng dalawang senador.

ADVERTISEMENT

Sa panayam kay Mareng Winnie, mariing itinanggi ni Gordon na pinigilan niyang maimbita sina Presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, at ang manugang ng Pangulo na si Atty. Manases Carpio. Malinaw umano na sinabi niyang "You may do so" nang hingin ni Trillanes na ipatawag ang dalawa. Sumbat ni Trillanes, si Gordon ang sinungaling. Kinakailangan daw sumang-ayon sa kaniyang motion ang Chairman ng komite bago maimbitahan si Vice Mayor Duterte at si Atty. Carpio pero hindi raw ito ginawa ni Gordon. Ayon kay Trillanes, nagiging isang “komite de absuwelto” ang pagdinig.

Dahil sa iringan, magsasampa umano ng ethics complaint ni Gordon laban kay Trillanes. Kung si Gordon daw ang tatanungin, dapat mapatalsik sa Senado si Trillanes. Handa naman daw si Trillanes na harapin ang reklamo ni Gordon. Ganunpaman, hindi raw ito makasasagabal sa pagtutok niya sa totoong isyu ng pagkakasangkot nina Vice Mayor Duterte at ni Atty. Carpio sa shabu shipment.

Hindi rin pinalagpas ni Mareng Winnie ang pagkakataong usisain si Gordon tungkol sa inilabas na report ng Committee on Justice na wala raw basehan ang pagkakaroon ng extrajudicial killings sa bansa. Paliwanag ni Gordon, walang “state-sponsored killings” at wala silang nakuhang impormasyon sa kanilang mga testigo ukol sa di umano’y EJKs.

Ang maanghang na sagutan ni Senator Richard Gordon at Senator Antonio Trillanes IV ang tampok ngayong Lunes sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, 10:15 PM sa GMA News TV.