ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Joel Torre, Ryza Cenon, Ramon Bautista at gadget and fashion tips sa Best Men
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
JOEL TORRE, RYZA CENON, RAMON BAUTISTA, AT GADGET AND FASHION TIPS BEST MEN Airing date: January 21, 2013 Makakasama ng Best Men bilang special guest co-host ang dating Starstruck Ultimate Survivor na si Ryza Cenon para sa isang makulit at makapigil hiningang challenge ng Best Men sa Subic Treetop Adventure! Susubukan nila ang pinaka-daring nitong attraction na Tree Top Free Fall! Mula sa tuktok ng punong may taas na 60 feet, magpapatihulog sina RJ, Jun at Ryza para i-conquer ang kanilang fear of heights! Isang batikang aktor rin at ehemplo ng pagiging isang tunay na Best Men ang ating makaka-bonding! Ikukwento ni Mr. Joel Torre ang kanyang passion sa acting at sa kanyang paboritong chicken inasal! Hindi rin papahuli ang host at radio disc jockey na si Ramon Bautista! Bibigyan niya tayo ng sneak preview ng kanyang bagong lathalang libro na pinamagatang “Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?“ Tunghayan rin ang aming mga Best Men tips of the week! Handa na ba kayong matutunan ang pagsusuot ng isang necktie sa loob lamang ng 10 seconds?! At ang budget gadget review ng mainit-init pang Cherry Mobile Flame at masisilip din ang kalidad at features ng mga less than 1,000 Pesos na cellphones! Todo sa adventure at punong-puno ng impormasyon at bagong kaalaman na naman ang handog ng Best Men ngayong Lunes, 10:30 PM, sa GMA News TV channel 11! The best ang Monday, dahil ito ay Best Men day!
More Videos
Most Popular