ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Kalakarang 5-6 sa 'Brigada'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
SHOOTOUT O RUBOUT?
Sa madugong engkwentro na naganap sa Atimonan, Quezon maraming anggulo ang lumutang. Dahil pawang napaslang ang lahat ng miyembro ng diumano'y "gun for hire" na grupo hati ang pananaw ng publiko kungshootout o rubout ba ang nangyaring insidente. Sa ginawang pagtutok ni John Consulta sa imbestigasyon unti-unti nang nagkakaroon ng linaw ang kaso.
5-6 REPUBLIC
Kapag ang mga Pinoy na nagigipit, sa 5-6 kumakapit! Bukod daw kasi sa mas simpleng kausap ang mga nagpapa-5-6, mas madali rin daw nakakakuha ng kinakailangang pera rito. Ang problema nga lang, may ilang nalulubog at 'di na makaahon sa pagkakautang. Inalam ni Lia Manalac del Castillo kung paanong hindi mabaon sa utang lalo na ngayong kapapasok lang ng taon.
REGIONAL FOOD TRIP
Ang mga kakaiba at natatanging sarap ng mga pagkaing mula Luzon, Visayas, at Mindanao, matitikman na rin ngayon sa Metro Manila. Sa "regional food trip" na ginawa ni Lala Roque sa iba't ibang mga kainan sa Kamaynilaan napatunayan niyang hindi na kailangang mag-out of town para malasap ang ang mga putaheng ipinagmamalaki ng bawat probinsya. Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama. sa iisang Brigada!
More Videos
Most Popular