ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kilalanin ang bagong Santo Papa sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Brigada
Airing Date: March 18, 2013

PMA TOPNOTCHER



Pumunta si Mav Gonzales sa Baguio City para masaksihan ang pagtatapos ng mga kadete ng PMA o Philippine Military Academy.  Dito niya nakilala ang Class Valedictorian na si Cadet First Class Jestony Lanaja na dating naggagapas ng tubo sa Davao Del Sur.  Tunghayan natin ang kwento ng pagsisikap at tagumpay ni Lanaja.

BUHAY KOMEDYANTE



Natural na komedyante raw tayong mga Pilipino, kaya naman ang ilan nating mga kababayan ito ang naisipang pagkakitaan. Pero sa ulat ni Nelson Canlas, napagtanto niyang hindi pala biro magpatawa sa Pilipinas.

HABEMUS PAPAM



Inantabayanan ng buong mundo ang katatapos lang na conclave kung saan hinirang na Santo Papa si Pope Francis mula Argentina.  Mula mismo sa Vatican City sa Rome, tinutukan ni Ruth Cabal ang makasaysayang pangyayaring ito at kinilala ang bagong lider ng Simbahang Katoliko.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho, patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi sa GMA News TV. Dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!