ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Hottest pops ng 2011 sa 'Pop Talk'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
POP TALK 2011’S HOTTEST POPS! Airing Date: December 27, 2011 Sa taong 2011 marami nang na-review ang Pop Talk---iba’t ibang uri ng gadgets, samu’t saring pagkain, kakaibang activities, shopping places, gimikan, pasyalan, bakasyunan, maging mga sasakyan! Ngayong Martes, samahan si Tonipet Gaba sa kanyang trip down memory lane para balikan ang mga pinaka-Pop na moments. Mabusog muli sa mga Pinoy na Pinoy na bulalo at tapsilog, balikan ang mga international karinderya, seafood restaurants, maging ang nakabubusog na Chinese lauriat at budget buffets! Pati gadgets at mga sasakyan na ni-review, bubuweltahan din natin. Panoorin muli kung alin sa mga 3D gadgets at appliances ang pop--3D laptop, 3D cellphone o 3D Internet TV. Mga latest camera tulad ng point and shoot na may SLR na kakayahan at underwater camera, isama n’yo pa ang iba’t ibang tablets at gadgets na nilabas nitong 2011, at mga automatic transmission scooter at compact city cars, muli ring ibibida! Pagdating naman sa lakwatsahan tayo na muli sa Davao, Baguio, Batangas, Cavite at Antipolo. Balikan ang mga resorts at hotels na patok na pasyalan ng barkada o pamilya. Ang da best of Pop Stop na botohan ng bayan, babalikan din. Mula sa exotic pinoy foods na tulad ng isaw, penoy at balut, buhok na unat at kulot, hanggang sa mga text message na “Mwah!” at “Tsup!”, at kung anu-ano pa, inalam lahat ng ating pasikaterang correspondent na si Boobay. Ang Best of Pop Talk for 2011, mapapanood na ngayong Martes, 10 PM sa GMA NewsTV!
Tags: plug
More Videos
Most Popular