Filtered By: Newstv
NewsTV

‘A Transgender’s Love,' tampok ngayong Sabado sa 'Wagas'


October 11, 2014, 7 PM, GMA NEWS TV

‘A TRANSGENDER’S LOVE’
Written and Directed by Eduardo Roy, Jr.  
Cast: Benjamin Alves, Charee Pineda and “Boobay”
and introducing RK Bagatsing

 
 

Transgender Love on Wagas
 
 

Sing-along sa isang comedy bar si Giggle, isang transgender. Bagama’t magaling magpasaya ng mga tao, ang buhay naman niya ay binabalot din ng kalungkutan.

Hangga’t sa dumating sa buhay niya Giggle ang lalaking si Jay.

Noong una ay walang pagtingin si Giggle kay Jay, at isang rason dito ay dahil hindi pa siya lubos na nakalilimot sa pinagsamahan nila ng kanyang ex na naging live in partner niya sa loob ng tatlong taon.

Mula sa pa-text text at friendly date ay nahulog na rin nang todo ang loob ni Giggle para kay Jay. Naging masaya ang kanilang samahan hanggang matigil sandali ang kanilang kaligayahan.

Ito ay nang malaman nilang nakabuntis ng babae si Jay.
 
 
 

Charee Pineda, Benjamin Alves and RK Bagatsing on Transgender Love in Wagas
 
 


Sa ngalan ng pag-ibig, isang kakaibang sitwasyon ang pinasok ni Giggle. Pumayag si Giggle na tanggapin niya sa buhay nya ang lahat ng taong mahal ni Jay kahit ibig sabihin nito ay kailangan niya makasama sa ilalim ng isang bubong ang nagdadalang taong si Faye.

Abangan ang buong storyang ito at alamin at unawain kung bakit maituturing na wagas ang pagmamahal ni Giggle para kay Jay.

Mapapanood na ang kakaibang kwento na ito sa WAGAS ngayong Sabado, 7pm, sa GMA NEWS TV.

Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account: 
https://www.facebook.com/wagastv11
https://twitter.com/wagastv11
 
 

Tags: prstory