ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Party Planner Extraordinaire sa 'Day Off'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

DAY OFF Party Planner Episode Airing Date: July 7, 2012 Isa nanamang karapat-dapat na Day Off winner ang mabibigyan ng pahinga ngayong Sabado sa "Day Off!" Si Kuya Wends ay nagtatrabaho bilang call center agent sa umaga. Pagkatapos ng kanyang shift, inaasikaso naman niya ang pangangailangan ng kanyang mga kliyente bilang isang Party Planner o Organizer. Siya ang nagsisilbing punong abala para sa mga birthday party, debut, weddings, company get-togethers at iba pang okasyon.  Dahil sa dami ng kanyang inaasikaso, wala nang oras para magpahinga ni Kuya Wends. Kaya naman ang mga "Day Off" hosts na sina Pekto at Betong ang hahalili sa kanyang mga gawain. Kayanin kaya nina Pekto at Betong na maidaos ang isang amazing party? Alamin ang sagot sa "Day Off" ngayong Sabado (July 7), 6:10 PM sa GMA News TV. Sundan ang Day Off sa Facebook at sa Twitter!

Tags: plug