ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pekto at Boobay magtitinda sa Divisoria sa 'Day Off'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
DAY OFF Airing Date: November 3, 2012
Ngayong Sabado, ihanda na ang listahan ng bilihin at mag-shopping sa Divisoria stall nina Pekto at Boobay.  Sa maingay at mausok na palengeke ng Divisoria, samu’t saring paninda ang bubuhatin, aayusin, at susubukang ibenta ng ating mga ka-tropa. Anu-ano kayang gimik at diskarte ang gagamitin nina Pekto at Boobay para hindi langawin ang kanilang mga paninda? Umubra kaya ang kakulitan ng dalawa sa mga wais na suki ng Divisoria? Sino kaya sa kanilang dalawa ang mas maraming tutubuing pera?   Habang abala sa mahihirap na challenges ang ating mga instant tindero’t tindera, isang Subic Adventure naman ang inihanda ni Isabel Oli para sa  machong kargador at tindero sa Divisoria na si Kuya Intoy. Extreme activities sa Zoobic Safari, masasarap at katakam-takam na pagkain, at samu’t saring regalo ang ilan sa mga bonggang sorpresa na ipararanas ng Day Off barkada para sa kanyang buong pamilya.   Kaya huwag palalampasin ang nakaaaliw at kapanapanabik na bentahan episode ng Day Off ngayong Sabado ng gabi, 6PM sa GMA News TV 11. Sundan ang Day Off sa Facebook at sa Twitter!