Filtered By: Newstv
NewsTV

Boobay at Boobsie, magiging mga lion dancer sa 'Day Off'


 

Date of Airing: February 6, 2016

Bago ang selebrasyon ng Chinese New Year, isang masuwerteng lion dancer ang bibigyan ng pasabog na day off ngayong Sabado.

Dalawampu't limang taon nang lion dancer si Michael Magdaraog.  Sa bawat sayaw niya ay kumikita siya ng 300 hanggang 400 pesos. Masaya raw siya sa kanyang trabaho kahit pa nga minsan init at bigat ng costume ang kalaban niya. Para makapag-day off si Michael, kailangang may pumalit sa kanyang trabaho kaya naman ito ang special mission ng mga komedyanteng sina Boobay at Boobsie.   Mula paglalagay ng ulo ng leon, pagpapagalaw ng bibig, at pagsabay ng bawat galaw ng katawan sa musika,  dapat itong matutunan ng dalawa. Lahat ng hirap ay kailangan din nilang tiisin para kay Michael. Makaya kaya ni Boobay ang init sa loob ng lion costume?  Magkasya naman kaya ang malaking pangangatawan dito ni Boobsie?

 


Samantala, sasamahan ng Day Off host na si Maey Bautista si Michael sa Manila Ocean Park.

Pupuntahan nila ang bagong atraksyon dito, ang World of Creepy Crawlers, kung saan makikita ang iba’t ibang uri ng reptiles at insekto. Isa namang restaurant na ang tema ay eroplano ang naghihintay para busugin sila ng steak at pizza.

 


May bonus pa--dahil year of the red fire monkey ang 2016, isang feng shui expert ang magbibigay ng tips kung paano mas maging matagumpay ngayon taon.

Huwag palampasin ang isa na namang kuwelang episode ng  Day Off ngayong Sabado, 6:10 PM sa GMA News TV.

Tags: prstory