Solenn takes a peek into Mikey Bustos' closet on 'Fashbook'
Sugod Solenn, sugod!
Unang susugurin ni Solenn ang kotse ng child star na si Jillian Ward.
Ipakikita ni Jillian ang mga gamit at damit na parati niyang binibitbit tuwing siya’y may shooting at taping. Mahilig daw kasi itong si Jillian sa dresses at kahit bata pa ay fashionista na!
Paborito rin daw na kulay ni Jillian ang pink kaya naman ito rin ang kulay ng kanyang kotse na pinasadya pa ang disensyong Hello Kitty.

Bukod kay Jillian, susugod din si Solenn sa closet ng komedyante, singer at kasama niya sa Bubble Gang na si Mikey Bustos. Ipapakita ni Mikey hindi lang ang kanyang mga damit kung hindi pati ang kanyang costumes na ginagamit niya para sa kanyang Youtube videos.
Matatandaang sumikat nang husto si Mikey dahil sa kanyang nakakaaliw at nakakatuwang Youtube videos tungkol sa pagiging Pinoy.
Ngayong Miyerkules rin mapapanood ang iba’t ibang fashion items gaya ng tsinelas na walang strap, rubber shoes na wedge at sneakers na na-ta-transform para maging tsinelas. Wow! Pagdating sa manicure, may nail art craze daw ngayon na kung saan ang itlog ng isda o caviar sa salitang sosyal ay ibinubudbod sa kuko para gawing disenyo. Wearable and one-of-a-kind fashion statement na inimbento ng mga malilikhaing Pilipino ang tiyak na magpapa-excite sa mga fashion conscious na Pinoy.
Ang Pinoy fashion designer na si Chris Jasler naman ay magpapakita ng kanyang kakaibang disenyo, isang bag na maaari ring maging pantalon. Matatalakay din ang Kawaii Fashion o ang nauusong look mula sa Japan na may kinalaman sa pagsusuot ng cute na damit at accessories.
At sa S-List, ituturo ni Solenn ang apat na Hollywood hairstyles na maari lang magawa sa loob ng limang minuto! Ang hairstyles na ito ay nagmula sa sikat na Hollywood stars tulad nila Kristen Stewart, Amanda Seyfried, Kim Kardashian at Lady Gaga.
Lahat yan, ngayong Miyerkules, 10:00 PM sa GMA News TV-11.