ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Sugurin ang closet ni Boobay sa 'Fashbook' ngayong Miyerkules


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Si Boobay -- Norman Balbuena sa totoong buhay, isa sa pinakamainit na komedyante ngayon at nagsimula daw ang lahat nang siya ay nag-impersonate sa paborito niyang komedyante na si Ethel Booba. Pero ngayon, gumagawa na siya ng sarili niyang pangalan sa telebisyon at maging sa mga comedy bars.

Kamakailan lang ay nasali siya bilang isa sa mga host ng bagong Extra Challenge kasama sina Richard Gutierrez at Marian Rivera. Pero bago pa man siya napadpad sa reality show, matagal na siyang nagpapatawa sa mga palabas sa GMA at GMA News TV gaya ng Aha, Day Off, Pop Talk, May Tamang Balita at marami pang iba. Kadalasan, naka-con todo costume si Boobay.  At yan ang susugurin ng Fashbook -- ang closet niyang punong-puno ng mga couture wardrobe. Malayo at marami na nga siyang narating sa showbiz at marami na rin siyang naipundar. Ready na ba kayong matawa at makilala pa ng lubusan si Boobay?

Kilala niyo ba ang inyong sarili, lalung-lalo na ang inyong skin? Ngayong napakainit ng panahon at tirik na tirik ang araw, may trick na ibabahagi si Solenn para manatiling flawless ang ating mga balat! Are you comfortable in your own skin kung ito ay may pekas, pimple, tadtad ng balahibo and worse, may peklat?! Sa latest technology, achieve na achieve ang baby-smooth skin.  Ibabahagi rin ng ilang FHM celebrity models tulad nila Michelle Madrigal at LJ Reyes kung paano nila mas lalong pinaganda ang kanilang kutis bago sila sumabak sa kanilang sexy photo shoot. Malalaman din mula sa FHM kung sino ang kanilang top three celebrity cover girls na may pinaka-magandang kutis.

Sa S-List naman, shine bright like a diamond ang whitening trick na ituturo ni Solenn. Narinig niyo na ba ang amazing teeth whitening power ng strawberry, saging at orange? Naku, mamamangha kayo what these fruits can do. Remember, you're never fully dressed without a smile! 

Fabulous tips and stories ang hatid ngayong Miyerkules sa Fashbook, 10:00 PM, pagkatapos ng SONA sa GMA NewsTV.