Ngayong Miyerkules, susugod ang Fashbook sa kotse ni Chynna Ortaleza
Ngayong Miyerkules sa Fashbook, masisilip sa unang pagkakataon ang laman ng kotse ng Kapuso Kontrabida Princess na si Chynna Ortaleza. Dahil daw sa kanyang busy schedule, samu’t saring gamit na ang nakalagay sa kanyang kotse lalo na ang mga damit na kailangan niya para sa kanyang shooting at TV guestings. Mula sapatos at belts hanggang sa mga blouses at T-shirts pati na rin mga DVD copy ng kanyang paboritong pelikula makikita na rito. Hindi raw particular si Chynna sa presyo ng kanyang mga damit at nakahiligan na raw niyang i-terno ang mga mamahaling fashion items sa mga nabibili niya sa ukay-ukay. Alamin din kung paano pinaghahandaan ng aktres ang kanyang bagong role bilang Minerva sa teleseryeng Kakambal ni Eliana.
Bukod kay Chynna, susugod din ang Fashbook sa set ng Mundo Mo’y Akin na pinagbibidahan nila Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz at Jolina Magdangal para sa isang bag raid.
Magtutungo rin Fashbook sa studio ng Party Pilipinas para maki-chika tungkol sa beauty secrets at laman ng bag ng mga hosts at performers nito.
Sa S-List naman, ipakikita ng Fashbook host na si Solenn Heussaff ang iba’t ibang paraan ng pagporma kapag naka-suot ng shorts. Bukod sa styling tips, ipapakita rin niya ang mga klase ng shorts na maaring suotin sa mall o gimikan at sa mga formal event.
Mapapanood ang Fashbook tuwing Miyerkules, 10:00 PM, pagkatapos ng SONA sa GMA NewsTV.