ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Follow That Star: Aubrey Miles and Troy Montero


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
FOLLOW THAT STAR 
AUBREY MILES AND TROY MONTERO Airing date: June 16, 2012
 
Mahigit siyam na taon nang nagsasama ang real life partners na sina Aubrey Miles at Troy Montero. Sino nga bang mag-aakala na ang dating heartthrob at sexy actress ay perfect match pala? 
 
Nagsimula raw ang kanilang love story nang magkasama sila sa isang tv show. Aminado si Aubrey na crush niya si Troy dahil gwapo at matipuno ang binata. Napansin din naman ni Troy si Aubrey dahil maganda at sexy ang dalaga. Pero hindi lang daw sa pisikal humanga si Aubrey, “yung itsura niya plus na ‘yun, pero yung ugali niya mas gwapo pa sa itsura niya.”
 
Excited daw ang dalawa na dumating ang araw na sila ay ikasal. Pero para kay Troy, renewal of vows nalang daw ito dahil simula raw ng sila ay magsama, nangako na sila sa isa’t isa na magmamahalan hanggang wakas. Lalo pa nga raw tumibay ang kanilang pagsasama nang dumating sa buhay nila ang ngayon ay 3 taong gulang na si Hunter. Bagamat busy sila sa kanilang mga trabaho, sinisiguro nila na marami siyang oras para sa anak na si Hunter.
 
Wala na sa showbiz si Troy pero sa kasalukuyan ay may sarili na itong kumpanya. Siya ang tumatayong CEO ng isang post-production company. 
 
Si Aubrey naman ay aktibo pa rin sa showbiz. Meron din siyang sariling negosyo, namamahala siya ngayon ng sariling pawnshop.
 
Spoiled daw si Hunter sa magpartner. Kahit makulit ang bata, hindi nila ito magawang mapalo o mapagalitan. At kung sila ang masusunod, hindi nila gusto na sa showbiz mapunta ang anak pag laki. Pangarap nila na maging atleta ang kanilang anak balang araw. 
 
Kapag walang trabaho, kalimitang sa arcade sila tumatambay kasama si Hunter. Kinaugalian na rin daw nila na tuwing weekend ay may lakad ang kanilang pamilya. Isinama pa nila ang Follow That Star na mamasyal sa Ocean Adventure sa Subic.  
 
Sundan ang buhay sa harap at likod ng camera nila Troy Montero at Aubrey Miles sa Follow That Star, Sabado, 7:55 PM sa GMA News TV. 
Tags: plug