ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Tampok ang mga sumikat na Internet stars sa 'Follow that Star'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Follow That Star: Mga Sumikat na Internet Stars Airing Date: January 5, 2013
 
 
Pinatunayan nila na ang pagsikat ay hindi lamang sa pamamagitan ng paglabas sa telebisyon, sa pelikula o sa radyo. Isang madaling paraan din ay ang internet. 
 
Sumasali na sa mga singing contest si Zendee Rose Tenerefe pero ang Youtube video, kung saan kinanta niya ang I Am Telling You, ang naging viral sa internet. Napansin ang kanyang talento, maging sa ibang bansa. Naging guest pa siya sa The Ellen DeGeneres Show. Ngayon ay isang ganap na recording artist na si Zendee Rose at may sariling album na inilabas. Busy si Zendee Rose sa mga mall shows para i-promote ang bagong album.
 
Hindi raw magkakatotoo ang lahat ng ito kung hindi dahil kay Yuan Juan. Ang nag-upload ng kanyang video sa Youtube. Kaya naman bilang pasasalamat, isang surpresang regalo ang ibinigay ni Zendee. Natupad din ang matagal nang pangarap ni Zendee na makapunta sa isang sikat na amusement park at siyempre hindi niya pinalampas na mag-perform para sa mga tao doon.
 
Sino nga ba ang mag-aakala na maging ang magpa-cute sa internet ay magiging paraan din para sumikat? Ang mga pick-up lines o banat ni Kimpoy Feliciano na inupload niya sa Youtube, Facebook, Tumbler at Twitter ay aabot na sa 1 million views. Lumaki si Kimpoy sa New Zealand at ang pag-uupload ng mga video ang naging paraan niya raw para konektado pa rin siya sa mga pinsan sa Pilipinas. Dahil sa dami ng mg followers ni Kimpoy, nagkaroon ng interes ang isang music label para gawing recording artist si Kimpoy. Ngayon ay may sarili na siyang album. 
 
Ang love story naman nina Jamvhille Sebastian at Michelle Liggayu na mas kilala sa tawag na Jamich, ang naging inspirasyon nila para gawin itong music video at i-upload sa Youtube. Ang kanilang kauna-unahang video na pinamagatang "By Chance" ay may mahigit 5 million views na. Nasundan pa ang paggawa ng ibang videos sa Youtube na nagustuhan naman ng kanilang mga fans. Instant celebrity na ang dalawa dahil nagkaroon sila ng maraming endorsement at guestings sa telebisyon. Sinundan din ng Follow That Star ang dalawa sa kanilang bakasyon sa Baguio.
 
Si Mikey Bustos naman ay isang Filipino-Canadian na unang nakilala ng mapasok sa programang Canadian Idol. Pero mas pinag-usapan si Mikey dahil sa kanyang mga videos sa Youtube kung saan ipinapakita niya ang mga nakakatuwang kaugalian ng mga Pinoy. Ilan lang dito ay ang pagkain ng balut, panliligaw, paano kumain ang mga Pinoy at maging paggamit ng banyo. 
 
Ang lahat ng ito ay mapapanood sa Follow That Star, Sabado, 8:00 PM sa GMA News TV.