Silipin ang buhay ng aktres at negosyanteng si Ara Mina sa Follow that Star
Naging usap-usapan sa showbiz ang away ng magkapatid na Ara Mina at Christine Reyes. Nagsimula raw ito sa hindi pagkakaunawaan ng dalawa tungkol sa usaping pinansyal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila naayos ang gusot sa kanilang relasyon. "Iba yata ang nararamdaman pag nasugatan ka ng husto. Hindi pa naghi-heal so kahit i-mertiolate ko, kahit i-band aid ko, nandyan pa rin so bahala na si Lord." Pero umaasa pa rin naman si Ara na balang-araw ay magkakabati rin sila ni Christine. "Kahit nagkakaroon ng samaan ng loob pero yun ang role ng ate e. So kailangan ganyan ako, ako ang tumayong parang magulang." Hindi alam ng marami na family-oriented si Ara. Malimit na dumadalaw ang mga kapatid ni Ara sa bahay niya para sa simpleng salo-salo. Ang mahalaga raw kasi ay intact at nagkakasama-sama silang magkakapatid. Close si Ara sa kanyang mga pamangkin. Nakakawala raw kasi ng stress ang mga makukulit na chikiting. Bukod sa mga bata, stress-reliever din ni Ara ang baking. Dahil hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo, nag-take siya ng culinary class. Dahil sa husay magluto, binigyan siya ng sariling online cooking show, ang In the Mood for Food with Ara. Nakaisip din siya na magtayo ng maliit na cupcake business, ang Hazelberry. Made to order daw ang mga binebentang cupcakes at ang best seller niya ay ang red velvet. Bukod sa pagkain, pinasok din niya ang pagbebenta ng iba't ibang beauty products, ang Pure Glow Ara's Secret. Ang buhay ni Ara Mina sa likod ng camera ay mapapanood sa Follow That Star, Sabado, 8:00 PM sa GMA News TV.