ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Sundan ang buhay ni Ciara Sotto sa likod ng camera


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“I can’t thank God enough for the family that I have because they’ve been super supportive, understanding, and patient with me and they always make sure that we say I love you to each other. So everyday nalalaman ko na mahal ako ng ate ko, ng daddy ko ng mommy ko kasi kahit text lang. 'I love you.' So napaka-thankful ko talaga kay God na dito ako nilagay sa family na ito.”

-Ciara Sotto, Follow that Star

Si Ciara Sotto ay namulat at lumaki sa pamilya ng mga sikat. Bilang isang daddy’s girl, bata pa lamang siya ay sinasama na siya ng kanyang daddy Tito Sotto sa Eat Bulaga at maging sa mga shooting ng pelikula.

Kahit na galing siya sa kilalang pamilya, sinikap niya na maging independent at gumawa ng sariling pangalan bilang theater and TV actress, singer at ngayon naman ay pole dancer.

Kuwento pa ni Tito Sotto, “Si Ciara ayaw niya na nakadikit lang siya sa pangalan namin but hindi niya maiiwasan 'yun. She tries her best to excel in something that did not come from the two of us."

Sa ngayon, busy siya sa kanyang stage play na “Full Monty”. Isa na rin siyang teacher sa pole dancing. Sinamahan din namin siya sa kanyang family bonding dinner kasama ang buong pamilya ng mga Sotto.

Abangan lahat ng 'yan sa Follow that Star ngayong Sabado, alas-otso ng gabi sa GMA News TV.