ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Kilalanin ang mga kampeon ng kalikasan sa 'Good News'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sili-Sarap Ang anghang ng sili, madalas kinakakatakutan. Pero alam n'yo bang may tinatago itong linamnam? Sa tulong ng aming guest chef, lalo naming pasasarapin ang mga karaniwang merienda gaya ng camote cue, champorado, at milkshake. Ang secret ingredient? Walang iba kundi ang spicy sili! CD Craze Kung hindi na gumagana ang iyong CD, don't worry dahil meron pa itong silbi! Gamit ang creativity at ilang pang mga murang materyales, gagamitin natin ang mga CD bilang mga functional home decor gaya ng earring at candle holders, at picture frames. Hindi mo lang mapapaganda ang iyong tahanan, makakatulong ka pa sa kalikasan! Tipid Teen Fashion Ang mga teen stars ngayon, hindi lang iniidolo dahil sa galing nila sa pag-arte, pagsayaw o pag-awit...pati ang kanilang paraan ng pananamit, sa mga kabataan, hit na hit! Kaya naman ang aming handog, mga fashion tip kung paano magmukhang sikat minus the gastos. Alamin kung paano maging trendy na hindi namumulubi! Kampeon ng Kalikasan Kilalanin ang mga eco-warrior at ang kanilang mga kakaibang sandata. Makiangkas sa isang barkong lumalakbay sa buong mundo para sagipin ang karagatan. Makinood naman sa isang puppet show na nagbibigay-kaalaman ukol sa kalikasan. Maging sa paglalaba, pwedeng sagipin ang kapaligiran sa pamamagitan ng isang kakaibang imbensiyon! Tinola-namnam Ang tinola, isang classic na lutuing Pinoy pero sa paglilibot ni Good News Girl Bea, nadiskubre niya ang iba't ibang mga version nito. Mula sa tinolang sinahugan ng buco, tinikman niya ang Thai-inspired version na binidahan naman ng pakwan! Pati ang manok na karaniwang sahog nito, napalitan na rin daw ng seafood? Alamin kung patok nga ang mga ito sa panlasa!
More Videos
Most Popular