ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Hamon ng Karamdaman
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

HAMON NG KALIKASAN: KARAMDAMAN
NOVEMBER 29, 2012, 10:00 PM, GNTV
Ang malakas na paghagupit ng bagyo na nagdudulot ng malawakang pagbaha, mga pagyanig ng lupa at pagputok ng bulkan pati na ang matinding tag-init na sanhi ng El Niño ay ilan lamang sa mga natural na pangyayari o natural phenomena na nararanasan sa Pilipinas. Maaaring magdulot ang mga ito ng pagkawasak ng mga ari-arian at peligro sa buhay ng tao. Pero kung minsan, hindi pa man nakaaahon ang mga tao sa dagok ng kalikasan, nasusundan na agad ito ng karagdagang problema: ang pag-usbong ng iba’t-ibang uri ng sakit. Sa Huwebes, November 29, tatalakayin ng ating ekspertong totoo, Nathaniel “Mang Tani” Cruz ang hamon ng mga karamdaman, lalo na ang mga sakit na umuusbong pagkatapos ng kalamidad. Kabilang rito ang leptospirosis na nagiging laganap kapag may malawakang mga pagbaha, pati na mga sakit na madaling kumalat sa mga evacuation center dahil sa kakulangan ng sapat na pasilidad. Aalamin din ni Mang Tani ang mga sintomas ng mga sakit na naghasik ng lagim sa iba’t ibang bahagi ng mundo gaya ng SARS at Influenza A(H1N1). Gaano nga ba kadelikado ang mga sakit na ito? May mga paraan nga ba para sila’y maiwasan? Posible kayang may mga sakit na mas mapaminsala pa kaysa sa mga ito? Malalaman din natin mula sa mga eksperto kung totoo nga bang may epekto ang global warming sa paglaganap ng ilang sakit tulad ng dengue. Ano kaya ang mga hakbang na ginagawa ng ating pamahalaan para mabawasan ang banta ng sakit na ito? Mapapanood ang Hamon ng Kalikasan bukas, November 29, 10:00-10:30 p.m. sa GMA News TV pagkatapos ng SONA. More Videos
Most Popular