ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

I Juander: Mahilig nga ba sa inuman si Juan?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MAHILIG NGA BA SA INUMAN SI JUAN? I JUANDER Airing date: January 16, 2013 Tagay, toma, shot at laklak - lahat ng mga salitang ito, iisa ang kahulugan sa bokabularyo ni Juan... ang inuman! At ang sinasabing "two bottles..." kadalasang na-uuwi sa pamorningang tagayan! Pero alam niyo ba na ayon sa isang survey, mas tomador daw ang mga babae kaysa sa mga lalaki?! Gaya na lang ni Aling Mercy na sinusundo pa ng kanyang asawa sa tuwing siya'y nakikipag-inuman. Dito sa Pilipinas, hindi lang gawa sa ubas ang mga alak. Nariyan din ang strawberry wine at ube wine ng Baguio... ang makopa wine at mangosteen wine ng Mindanao... at ang sinasabing pinaka matandang alak ng Pilipinas --- ang tapuy ng Benguet. I Juander, pumatok kaya sa mga Manilenyo ang lasa ng mga nito? Abangan din ang alak na mas mahal pa sa isang bagong kotse. Ang presyo nito --- tumataginting na isang milyong Piso! Matikman kaya ito nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario?! At mga ka-Juander, alam niyo ba ang ibig sabihin kapag binansagan kayong Incredible Hulk ng inuman?! O kaya nama'y The Flash?! O The Chosen One?! Abangan ang kahulugan ng iba't-ibang karakter sa inuman ngayong Miyerkules, alas otso nang gabi sa GMA News TV at sabay-sabay natin sagutin... ... I Juander, mahilig nga ba sa inuman si Juan?!