ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

I Juander: Ano ang orihinal na luto ng longganisa sa bayan ni Juan?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ANO ANG ORIHINAL NA LUTO NG LONGGANISA SA BAYAN NI JUAN? I JUANDER Airing date: January 23, 2013
 
Dito sa bayan ni Juan, may paborito tayong agahan. Ang mga ulam na ipinapartner natin sa itlog at sinangag gaya ng tapa, tocino at ang paborito ng maraming Juan - ang longganisa!
Ang bawat probinsya may kanya-kanyang klase ng longganisa. Sa Lucban at Vigan, may pagkalasang bawang ang longganisa. Sa Pampanga at Cebu naman, manamis-namis ang timpla. ' Ingat-ingat lang daw at baka masobrahan. Ang masustansyang alternatibo - longganisang gawa sa gulay o sa tilapia.
Pero I Juander, ano ba talaga ang orihinal na luto ng longganisa dito sa bayan ni Juan?
At sa dinami-rami ng klase nito, alin nga ba ang ating pinaka paborito? Ito ang inalam ng I Juander sa pamamagitan ng isang malakihang food tasting, kung saan limampung katao ang nagsilbing mga hurado.  
Abangan ang sagot sa tanong ni Juan, at ang resulta ng aming social experiment ngayong Miyerkules, alas otso nang gabi sa GMA News TV.