ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'I JUANDER:' Anu-ano ang mga buwis buhay na trabaho sa bayan ni Juan?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
I JUANDER LABOR DAY SPECIAL!
Airing Date: May 1, 2013

Bilang pagpupugay sa mga dakilang manggagawang Pilipino, aalamin natin ang iba't ibang buwis buhay na trabaho sa bayan ni Juan! At ang ilan pa rito susubukan mismo nina Susan at Cesar!

Malagpasan kaya ni Cesar ang abot-langit niyang "fear of heights" sa pagbabaklas niya ng isang billboard advertisment na ang taas, nasa 45 talampakan lang naman!

Si Susan mapapasabak rin sa mga buwis buhay na trabaho! Kayanin kaya ng kanyang sikmura na pakainin si Cholong, isang saltwater crocodile na ang haba nasa 16 talampakan?
Ang online sensation group naman na La Churva, game na game din daw na maging "GIRLS ON FIRE" dahil sila mismo mapapaindak sa fire dancing! But wait, there's more! Dahil mag-aala dragon din sila sa pagbuga ng apoy!
Kilalanin din ang mga bayani ng bayan! Sasamahan natin ang Manila Bomb Squad team sa isa sa kanilang peligrosong bomb operation! At sisisid din tayo kasama ng Philippine Coast Guard!
Ngayong Miyerkules, sama-sama nating ipagdiwang ang galing ng mga manggagawang Pilipino! At siyempre, dapat may matutunan pa rin tayo! Kaya naman I Juander: Anu-ano nga ba ang mga buwis buhay na trabaho sa bayan ni Juan?
Ito ang dapat ninyong abangan ngayong Labor Day, 8 PM sa GMA NewsTV-11!

More Videos
Most Popular