ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Reklamo ng mga nasa baryo, siniyasat ng 'Investigative Documentaries'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES Reklamo ng mga nasa baryo Date of airing: January 24, 2013 Kadalasan, katiwalian sa mga matataas na tanggapan ng gobyerno ang nagiging sentro ng atensyon. Ito ang madalas nasa headline ng balita. Hindi napagtutuunan ng pansin ang mga reklamo sa mga barangay, kung saan sandamakmak din ang problema ng mga mamamayan.   Sa episode ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, mga problema sa barangay ang ating sisiyasatin.   Sa mga mountaineer, ang Mt. Talamitam sa Nasugbu, Batangas, ang isa sa mga inuunang akyatin. May ilog din dito na siyang pinagliliguan ng mga residente at bisita. Pero may mga pagkakataong hindi makunan ng tubig o mapagliguan man lang ang ilog, dahil dito pinadadaloy ng isang piggery ang dumi mula sa kanilang pasilidad.   Ang mga taga-barangay Bucal, Silang Cavite naman, matagal nang ipinipetisyon na maipasara ang isang piggery sa kanilang lugar. Wala umano itong permit mula sa barangay pero patuloy itong nag-ooperate. Sakit naman ang dulot na masangsang na amoy galing sa babuyan.   Samantala, ang mga residente ng Barangay Sta. Ines, sa Mabalacat, Pampanga, ang nagrereklamo dahil sa pinababayaan daw silang malubog sa baha. Nasa gilid ng Sapang Balen Creek ang Sta. Ines. Ang puna ng mga mamamayan ng Sta. Ines, may sapat na proteksion ang barangay sa kabilang pampang ng creek, ang Brgy. Mangalit, pero sila ay tila inabandona.    Ayon sa mga residente, ang barangay Mangalit ay nabibigyan ng pondo para sa mga proyekto laban sa baha, samantalang 13 taon na silang humihingi ng ganito ring ayuda.   Ilan lamang ito sa mga isyung aming idinokumento at binantayan. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang mga reklamo ng mga barangay?   Abangan ang sagot sa Investigative Documentaries kasama si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.