ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
4Ps: Solusyon o Ilusyon?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
Airing date: April 11, 2013
SOLUSYON O ILUSYON?
Limang taon na ang pinakamalaking poverty alleviation program ng gobyerno, ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Una itong inilunsad ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, at itinuloy naman ni Pang. Benigno Aquino.
Sa ilalim ng programa, makakatanggap ng hanggang P1,400 kada buwan o P15,000 kada taon ang kwalipikadong pamilya na mapipili ng Department of Social Welfare and Development. Sakop nito ang pinakamahihirap na pamilya sa pitumpu’t siyam na probinsiya sa buong bansa.
Umabot na sa P120 billion ang nagagagstos para sa 4Ps mula nang ito ay simulan. Ngayong 2013, mahigit sa P44 billion ang inilaang budget para dito. Halos apat na milyong pamilya na ang nabiyayaan ng programa.
Sa kabila nito, maraming problemang nakikita sa implementasyon. Mismong ang COA o Commission on Audit ang pumuna sa sistema na ginamit sa pagpili ng mga beneficiaries. Ang ilan sa mga tumatanggap ng pera ay hindi rawtunay na dukha. May mga kaso rin ng “double entries” ng mga pangalan. May mga pamilyang biglang natigil ang sustento nang walang malinaw na paliwanag.
Ang 4Ps nga ba ay solusyon o ito ay isa lamang ilusyon para matugunan ang labis na kahirapan sa bansa?
Alamin ang sagot sa Investigative Documentaries, kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular