ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Makikiinom po!' sa Investigative Documentaries


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
Makikiinom po!

Airing date: April 25, 2013, Huwebes, 8:00 PM

Ang mga libro natin ng alamat ay punung-puno ng leksion tungkol sa kabutihang-loob, isa na rito ang pagbibigay ng tubig na maiinom sa mga nauuhaw.


 
Sa panahon na ang tubig ay binibili na, ilan ang handang magbigay pa kaya ng tubig sa mga kakatok sa kanilang pinto? Upang malaman ang gawi ng mga Pilipino sa panahong ito sa ganitong sitwasyon, isang matandang babae ang aming pinabisita sa ilang tahanan. Singkuwenta porsiento mahigit ang nagbigay ng tubig, pero kung paano ay malalaman lamang sa ating kuwento ngayong Huwebes.
 
Sa ngayon kasi, ang tubig na iniinom ay may katumbas nang salapi. Ang dating sa gripo lang kinukuha, ngayon ay tinatawag nang mineral water at kasama na sa budget ng bawat pamilya. 


 
Pero paano na ang halos 30 porsiento ng populasyon na sumasala sa pagkain? Saan sila kumukuha ng tubig na maiinom?
 
Mukhang lalo pang iigting ang problema dahil ayon sa iba't ibang grupong nag-aaral tungkol sa sitwasyon ng tubig sa buong mundo, magkakaroon ng krisis sa suplay ng tubig sa Pilipinas sa 2025. Ang Metro Manila, Metro Cebu, Davao, Baguio, Bacolod, Iloilo, Cagayan De Oro at Zamboanga ay tataas ang konsumo at dahil dito ay mahaharap ang mga ito sa krisis sa tubig.
 
Ilan lamang iyan sa mga dapat abangan sa Investigative Documentaries, kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.