ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Silang mga may sabit sa batas, kilalanin sa Investigative Documentaries


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
Silang mga May Sabit sa Batas
Airing date: June 20, Huwebes, 8:00 PM


Ang sabi ng administrasyon, sila ay para sa daang matuwid. Sagot ng oposisyon, sila ay para sa daang maganda. Pero mukhang may mga nasamang hindi matuwid at hindi maganda ang record sa listahan ng mga kandidato nila.

Ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ. Sa katatapos na eleksyon 2013, mahigit sa limandaang kandidato ang may nakabimbing kaso. Aaabot sa higit dalawandaan sa kanila ang nanalo.

Ang paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti Graft and Corrupt Practices Act ang nangunguna sa mga kasong kinasasangkutan ng mga opisyal ng gobyerno. Sumunod dito ang Malversation o ang paglustay ng pera ng bayan. Pangatlo naman sa listahan ang Falsification o pamemeke.

Bakit sa kabila ng kanilang mga kinasasangkutang kaso, sila ay nakakatakbo at nahahalal sa pwesto?

Alamin ang sagot sa Investigative Documentaries kasama ang beteranang journalist na si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.