Filtered By: Newstv
NewsTV

'Pop Talk,' nag-food trip sa LRT


POP TALK LRT FOOD TRIP January 22, 2013, Tuesday  
Ilang dekada na ring bahagi ng buhay-Pinoy ang araw-araw na biyahe ng maraming estudyante, empleyado, at commuters papuntang eskuwelahan, trabaho, at lakwatsahan ang pagsakay ng LRT.  Kapag inabutan ng gutom sa daan, saan mang istasyon bumaba ay tiyak na may patok na chibugan! Tatlong kainan na malapit sa LRT Line 1 stations na bumabaybay mula Monumento hangaang Pasay ang ating rerebyuhin.  Una na ang Zark’s Burgers sa Vito Cruz Station na lagi na lang pinipilahan ng mga parukyano nito.  Sunod ang Cuevas Bakeshop & Carinderia sa may Pedro Gil Station na lutong-bahay naman ang style at sarap ng mga pagkain.  Ang pangatlo ay ang Bogs Sizzling Haus sa Tayuman Station na usok pa lang daw ng pagkain ay ulam na! Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang expert na food blogger na yedylicious.com na si Yedy Calaguas,  ang LRT teller  na si Brian Tulba, at ang celebrity reviewer na co-host ng Startalk na si Alyssa Alano.  Huhusgahan nila ang tatlong kainan base sa criteria na food, place, at price.   Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?  Alamin ngayong Martes sa ‘Pop Talk: LRT Foodtrip,’ January 22, 10PM sa GMA NewsTV!