ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pop restaurants malapit sa LRT 2 stations, hahanapin ng 'Pop Talk'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


POP TALK

LRT 2 Foodtrip/Asian Carinderia
Airing Date: APRIL 23, 2013

Pumatok sa maraming empleyado, estudyante at LRT commuters ang unang takbo ng “LRT Food Trip” ng Pop Talk na bumagtas sa kahabaan ng LRT Line 1 kaya heto na naman kami ngayon para alamin kung saan nga ba pop na tsumibog pag inabutan ng gutom kung lulan naman ng LRT Line 2!


 
Tatlong asian carinderia na malapit sa LRT-2 stations ang ating rerebyuhin kasama ang The Big Little Store na malapit sa Gilmore station at kilala sa kanilang  masasarap na Chinese dishesKasama rin ang Yutaka Izakaya na malapit sa V. Mapa station at authentic Japanese cuisine naman ang pambato.  Last stop ang Xin Chao na malapit sa Legarda station at  naghahain ng Pinoy version ng Vietnamese food.



Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang ating guest reviewers food blogger ng ‘The Food Scout’ na si Jill Bantang,  ang mommy at LRT-2 commuter na si Jay Ann Pinlac-Cruz, at ang celebrity reviewer na aminadong matakaw na si Marc Acueza.  Huhusgahan nila ang tatlong kainan base sa criteria na food, place, at price.  Sakay na at maki-LRT-2 Foodtrip sa Pop Talk ngayong Martes, 10 PM sa GMA NewsTV!


Tags: plug