ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bes: Ang kuwento ng pagkakaibigang binuklod ng sobre
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REEL TIME Bes Airing date: January 13, 2013, 8:45 PM, GMA News TV Bes. Bespren. Ito ang tawagan ng magkakaibigang sina Carlo, Ardie at Glenn.
Kapwa menor de edad na nabuo ang pagkakaibigan dahil sa pangangailangang mabuhay.
Sa kanto ng Vito Cruz sa Maynila, umiikot ang mundo ng tatlong bata. Palaruan nila ang
magulong kalsada. Kalaro nila ang mga nagdaraang sasakyan. Manila bay ang kanilang
paliguan. Lansangan ang kanilang tulugan.
At para makakain, sandigan nila ang mga puting sobreng may kalakip na pakiusap.
Pakiusap na sila’y bahagian ng kaunting barya.
Inaabot nila ito sa mga taong nakakasalamuha nila. At upang makarami, maging ang
mga pasahero ng mga jeep na nagdaraan, inaabutan rin nila ng mga sobre. Delikado man,
patuloy nila itong ginagawa, araw man o gabi.
Matapos ang maghapong panonobre, magsasama-sama sila sa tindahan ni Ate Josie, ang
tinderang gumagabay sa kanila. Hindi man niya tunay na mga anak, binabantayan niya
ang mga ito at pinaalalahanan.
Balot man ng pait ng kani-kanilang problema sa pamilya, hindi nawawala ang ngiti sa
mukha ng tatlong bata. Dahil ang mas importante para sa kanila, ang samahan nilang mga
Bes.
More Videos
Most Popular