ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kawalan ng maayos na palikuran sa Brgy. Dos


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REEL TIME PRESENTS "BRGY. DOS"
Airing Date: January 20, 2013 (Sunday)
 
"Gusto ko po sa totoong kubeta kasi may takip at tsaka tubig, hindi kami makikita."
 
Ayon sa dose anyos na si Rosemar, sa eskuwelahan lang siya nakaranas na gumamit ng totoong palikuran. Wala silang kubeta sa kanilang bahay. Kapag tumawag ang kalikasan, uupo lang sila sa isang gilid kung saan diretso na sa dagat ang kanilang dumi. Minsan naman, dumarayo pa sila sa batuhan sa may pantalan. Bagamat nahihiya paminsan-minsan, sanay na raw siya dahil ito na ang kaniyang kinamulatan sa kanilang lugar sa Brgy. 2 sa Bacolod City.
 
Isa ang Brgy. 2 sa mga coastal barangays sa Bacolod. 60 hanggang 70 porsiyento ng populasyon rito ang walang maayos na palikuran sa kabila ng isa sa pagiging highly urbanized na lungsod ng Bacolod. Sa buong lungsod, 26 porsiyento ng mga mamamayan ang wala ring palikuran habang 30 porsiyento ang kabuuang estadistika sa bansa, ayon sa UNICEF.
 
Ang pagkakaroon ng maayos at malinis na palikuran ay kabilang sa mga target ng Millenium Development Goal ng bansa. May target na pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong walang malinis na palikuran sa taong 2015. Kapag hindi ito naabot, maaaring bumaba ang halaga ng nakukuhang suporta ng Pilipinas mula sa international community.
 
Alamin natin kung bakit nga ba marami ang walang palikuran sa bansa sa kuwento ng mga taga   "Brgy. Dos" sa Reel Time ngayong Linggo, Enero 20, 8:45 ng gabi sa GMA News TV.