ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Reel Time presents 'Jumper'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REEL TIME
Jumper

Airing date: March 10, 2013
Original airing date: June 3, 2012

Tila natuto na raw magdamot ang dagat.

Ito ang karanasan ng ilang mangingisda sa Isla ng Sibuyan sa probinsiya ng Romblon. Dahil rito, napipilitan silang pasukin ang pagiging "jumper".

Sa kabila ng matinding panganib, tinatalon ng mga jumper ang loob ng lambat ng "zipper", ang mas malaking bangkang pangisda upang doon manghuli ng mga isda gamit ang mas maliliit nilang net. Ito raw kasi ang mas mabilis na paraan sa ngayon upang kumita.

Kaya naman si Aling Vangie, bagama't tatlong buwang buntis, tinatiyaga ang pagsama sa kaniyang asawa sa pagdya-jumper. Pati ang kanilang walong taong gulang na anak na babae, iminumulat na nila sa gawaing ito. Sa loob lang kasi ng isa hanggang dalawang oras, uuwi na silang may sapat na huli. Hindi tulad kapag sila ay nangawil, halos buong araw silang papalaot para mag-uwi lang ng isa o dalawang pirasong isda.

Tunghayan ang kanilang pakikipagsaparalan sa karagatang tila nauubusan na ng likas yaman sa Reel Time Presents "Jumper", Linggo, 9:00 ng gabi sa GMA News TV.