ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Reel Time presents 'Bibo'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REEL TIME
B-I-B-O
B-I-B-O
Airing date: May 19, 2013, Linggo, 8:45 PM

Masayahin. Malikot. Makulit. Punong-puno ng energy! Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag kanilang nakikita ang childstar na si Ryzza Mae "Chacha" Dizon? Mula sa Little Ms. Philippines, hanggang sa Eat Bulaga, at ngayong may sarili na siyang talkshow... kahanga-hanga ang siglang binibigay ni Ryzza sa TV. Ang pinakabatang miyembro ng Dabarkads, ay siyang idolo ngayon ng mga batang Pinoy. Siya na! Siya nga. Siya ang batang bibo ng Pilipinas ngayon.
Isa si John Kerth Heraldo sa mga batang nangangarap ng kasikatang tinatamasa ni Ryzza. Kahit hindi napili sa That's My Boy ng Eat Bulaga, patuloy pa rin niyang susubukan na maging artista. Sa tulong ng kanyang ina at ng kanyang agent, maghahanda naman ngayon si John Kerth para sa mundo ng VTRs. Ano ba ang mga dapat niyang gawin?
Sa mundo naman ng drama, isang batang babae ang bumiyahe mula sa Palawan hanggang Maynila para subukan ang kanyang kapalaran. Si Nafha Clarizze Bonayon: model, singer, dancer, actress na mabilis umiyak! Alam niyang marami pa siyang kailangang pagdaanan patungo sa kasikatan. May makapansin kaya sa kanyang talento?
Panoorin ang childstar na si Ryzza Mae at ang mga "wannabe" childstar na sina John Kerth at Nafha Clarizze ngayong Linggo, May 19, 8:45pm, sa Peabody Award Winning program---Reel Time, GMA News TV Channel 11.

More Videos
Most Popular