Si Coach Chot Reyes ng Philippine Basketball Team, kilalanin sa Sports Pilipinas
Ang buena mano ni Chino sa One-on-One ngayong taon ay hindi lang isang respetadong champion coach, siya ang gumagabay sa ating Philippine Basketball Team! Walang iba kundi si Coach Chot Reyes!
WONDERBOY NG MOTOCROSS
Isang big-time sports personality rin ang nakasama ni Isabel para sa una niyang istorya ngayong 2013, ang itinuturing na "Wonder Boy" ng Philippine Junior Motocross na isa ring 10-time national champion, si Kenneth San Andres!
RUBILEN AMIT: REYNA NG BILYAR
Pagdating sa bilyar, may mas magaling pa ba kaysa Pinoy? Pero sanay tayong puro lalaki ang players natin diba? Puwes, kilalanin natin ang unang Pinay billiards world champion, si Rubilen Amit!
SPORTS STAGE PARENTS
Kung athlete ka, siguradong importante sayo ang suporta ng pamilya. Kaya ang ibang magulang, talaga namang todo-alalay sa kanilang wonder kids na minsan umo-overload naman sa support! Kilalanin natin ang sports stage parents.
COLOR MANILA RUN 2013 AND PACK-WALK PROJECT 2012
New year, new challenges! Motto namin 'yan ng Sports Pilipinas staff kaya sumama kami sa Color Manila Run. Fun run ito with a twist - sasabuyan ka ng pintura! Nakisaya rin tayo sa Pack-Walk Project kung saan nagsama-sama ang dog lovers para sa isang ride for a cause.
Lahat nang 'yan, mapapanood sa Sports Pilipinas ngayong Linggo, 11:15 AM sa GMA News TV!