ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Sina Kurt Bachmann at Don Allado, tampok ngayong Linggo sa 'Sports Pilipinas'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ONE-ON-ONE: DON ALLADO
Kialangan mo lang 140 na titik para magpahayag ng iyong damdamin sa Twitter, pero kadalasan ang bugso damdamin maaring ikasira o ikakasama ng career ng isang kilalang atleta. Ito ang naranasan ni Don Carlos Allado, na nasus-pend ng isang PBA conference dahil sa isnag Tweet niya. Kamusta kaya ang pagbalik nya sa PBA?

PARAGLIDING SA CARMONA
Wala na sigurong sasarap pa kung lumutang sa himpapawid! Samahan nyo si Isabel na maglaro sa alapaap sa kanyang napaka-exciting at exhilirating na Paragliding adventure sa Carmona, Laguna kasama ang Paragliding at Hang Gliding Association.
 
ILOILO PARAW FESTIVAL
Naging tatak ng ating bansa ang mga makukulay na Vintas ng Mindanao pero ngayon may makukulay at mabibilis ng mga bangka sa Iloilo. Tayo nang sumakay lulan ng mga bangka sa 39th Iloilo Paraw Regatta Festival! 
 
GOLDEN AGE OF PHILIPPINE BASKETBALL: KURT BACHMANN
Pamilyar ba kayo sa Golden Age ng Philippine basketball? Ito ang era ng basketball sa Pilipinas nong 1940-1960 kung saan nag-dominate ang ating bansa sa world court. At maswerteng nkapanayam ni Chino Trinidad ang isa sa mga tunay na Legends ng Philippine Basketball na naging miyembro ng Philippine Team sa 1959 World Championships at 1960 Olympics, si Kurt Bachmann.

'Yan at iba pang mga kuwentong sports ang bubusog sa inyo sa Sports Pilipinas kaya tumutok lang sa GMA News TV Channel 11 pagsapit ng 11:15 AM sa darating na Linggo.