ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Si Calvin Abueva, makaka-one-on-one na ni Chino Trinidad sa Sports Pilipinas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ONE ON ONE: CALVIN ABUEVA
Siya ang tinaguriang ”The Beast” dahil sa kanyang mabagsik na laro mapa-opensa man o depensa. Pero ”The Beast” din kaya sya sa labas ng hardcourt? Para sa One-On-One ngayong linggo, ang mabangis na si Calvin Abueva!

MUAY THAI 101 KASAMA SI ENZO PINEDA
Usong uso ngayon ang MMA o Mixed Martial Arts.  Pero bago ka sumabak sa matinding bakbakan, kailangan mong maging magaling sa striking!
At ang isa sa pinaka paboritong martial arts para paghusayan ang striking ay walang iba kundi ang ”the art of eight weapons” -- Muay Thai! Samahan niyo si Isabel at Kapuso celeb Enzo Pineda para sa isang matinding session ng ancient martial art na ito.

NBA PLAYOFFS PREVIEW
Alam na natin ang kinahantungan ng Los Angeles Lakers sa kanilang karera para sa playoffs...
Pero sa mga nakaraang araw, mukhang nagkarambola ang mga iba’t ibang koponan sa pwesto sa NBA Playoffs...

Sinong Llamado? Sino rin kaya ang Dehado?  Lahat ng iyan sa ating NBA Playoffs Preview.

ANG MGA SUPERWOMEN NG V-LEAGUE
Kung dati mga lalaking players lang ng basketball ang tinitilian. Pero dahil sa pagsikat ng volleyball sa ating bansa,  mayroon ng mga bagong crush ng bayan!

Mga boys, hinay-hinay lang at kilalanin ang mga magagaling na lady spikers at mga sikat na manlalaro ng V-League!


Mapapanood ang Sports Pilipinas ngayong Linggo, 11:15 AM sa GMA News TV.