ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Tonight with Arnold Clavio: Ang bidang extra... Si Boobay
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ANG BIDANG EXTRA... SI BOOBAY! TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO Airing date: January 15, 2013 Una siyang sumabak sa telebisyon bilang extra sa ilang Kapuso shows. Pero dahil sa husay niya sa pagpapatawa, sipag at pagmamahal sa trabaho - mula extra, isa na siya ngayon sa bumibida at inaabangan sa kanyang mga programa! 
Siya si Norman Balbuena o mas kilala bilang Boobay, na halos gabi-gabi tayong pinatatawa sa pamamagitan ng makukulay niyang costume at nakatutuwang mga pagganap. Ilan lamang sa mga programa niya ang Extra Challenge, May Tamang Balita, at A-HA. Ngayong Martes, one-on-one na makakakuwentuhan ni igan Arnold Clavio si Boobay. Hindi lamang tawanan at kantahan ang magaganap... dahil sa isang natatanging pagkakataon, makikitang ang masayahing si Boobay, napapaluha rin pala! Ano kaya ang nagpapaantig sa puso ng isang komedyanteng gaya niya? Panoorin ang masaya at makabuluhang kuwentuhang hatid ng Tonight With Arnold Clavio, ngayong Martes 10:30 ng gabi sa GMA News TV channel 11!

Siya si Norman Balbuena o mas kilala bilang Boobay, na halos gabi-gabi tayong pinatatawa sa pamamagitan ng makukulay niyang costume at nakatutuwang mga pagganap. Ilan lamang sa mga programa niya ang Extra Challenge, May Tamang Balita, at A-HA. Ngayong Martes, one-on-one na makakakuwentuhan ni igan Arnold Clavio si Boobay. Hindi lamang tawanan at kantahan ang magaganap... dahil sa isang natatanging pagkakataon, makikitang ang masayahing si Boobay, napapaluha rin pala! Ano kaya ang nagpapaantig sa puso ng isang komedyanteng gaya niya? Panoorin ang masaya at makabuluhang kuwentuhang hatid ng Tonight With Arnold Clavio, ngayong Martes 10:30 ng gabi sa GMA News TV channel 11! More Videos
Most Popular