Isang gabing puno ng surpresa kasama si Glaiza de Castro sa TWAC
ISANG GABING PUNO NG SURPRESA KASAMA SI GLAIZA DE CASTRO TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO Airing date: January 16, 2013 Isang gabing puno ng surpresa ang hatid ng Tonight With Arnold Clavio ngayong Miyerkules! 

Nagbabalik ang kapusong si Glaiza de Castro, isa sa pinaka talented at sinasabing "underrated" na aktres ngayon at gumaganap na kontrabida sa highest rating na Kapuso teleserye, Temptation of Wife. Ikinuwento ni Glaiza kung paanong kinamumuhian siya ng mga sumusubaybay sa teleserye dahil sa makatotohanang pagganap niya bilang mapang-akit na si "Heidi." Dito nga raw nasubukan hindi lamang ang galing niya sa pag-arte kundi ang kakayanan sa pagpapa-sexy.
Dumalo rin sa programa ang isang 6-year old girl na fan ni Glaiza. Gaano nga ba niya kamahal ang kanyang iniidolong aktres?
At sa kauna-unahang pagkakataon, isang "fictional character" din mula sa teleseryeng Temptation of Wife ang makakapanayam ni igan Arnold Clavio...
Huwag palalampasin ang masaya at makabuluhang kuwentuhan sa Tonight With Arnold Clavio ngayong Miyerkules, 10:30 ng gabi sa GMA News TV!